SA halip na sa eskwela, sa likod ng rehas na lang muna pwedeng magturo ang isang 31-anyos na guro makaraang madakip kasama ang nobyo sa isang operasyon kontra droga ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Barangay Balbag, Cebu City.
Swak sa selda sina Rey Mark Rabasano at kasintahang si Marivel Arcilla na napag-alamang nagtatrabaho bilang private school teacher.
Ayon kay Leia Alcantara na tumatayong tagapagsalita ng PDEA sa Central Visayas Region, pasok sa talaan ng mga high value target si Rabasano na may kakayahan di umanong magbenta ng hanggang 300 gramo sa kada parokyano.
Gayunpaman, 15 gramo ng shabu lang ang nakuha ng mga operatiba nang abutan ng PDEA.
