DALAWANG taon matapos ang pangako ng noo’y presidential candidate Ferdinand Marcos Jr., bahagyang natupad ang ibinidang P20 kada kilong bigas sa sandaling maging Pangulo.
Sa kalatas ng Presidential Communications Office (PCO), pinagmalaki ng Palasyo ang pag-arangkada sa Ligao City, Albay ng programa ni Marcos bilang katuparan sa pangako sa sektor ng maralitang Pilipino.
Katunayan pa ayon sa PCO, personal na pinangangasiwaan ng Pangulo ang inagurasyon ng Kadiwa Center sa Ligao City, Albay kung saan prayoridad sa murang bigas ang mga pamilyang nasa talaan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng gobyerno.
Bukod sa 4Ps beneficiaries, pasok din sa sektor na pwede bumili ng murang bigas sa Kadiwa Centers ang hanay ng senior citizens at persons with disability (PWD).
Paglilinaw ng PCO, bukas pa rin naman umano ang Kadiwa Center sa iba pang nais bumili ng murang bigas sa presyong P35 kada kilo na di hamak na mas mababa kumpara sa P60 kada kilong commercial rice sa mga pamilihan.
Bukod sa murang bigas, kabilang rin sa tampok na murang produkto ang prutas at gulay at iba.
