
MATINDING kahirapan ang nagtulak sa dalawa sa kada 10 Pilipino mangarap na layasan ang Pilipinas at manirahan na lang sa ibang bansa sa pag-asang doon giginhawa ang buhay ng kanilang pamilya.
Sa pinakahuling survey na pinangasiwaan ng Social Weather Station (SWS), lumalabas na mas maraming Pilipino na ang kinokonsidera lumipad na lang sa mga bansang Canada, Saudi Arabia, Kuwait, United Arab Emirates, Japan, Qatar, at Estados Unidos, kung saan higit na malaki ang inaasahang sahod.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), napako sa 4.8% – katumbas ng 2.47 milyon ang bilang ng mga Pilipino walang trabaho.
Sa nalalapit na taunang paggunita ng Araw ng Manggagawa sa Mayo 1, kabilang sa mga daing ng mga manggagawang Pilipino ang mababang sahod, kontraktwalisasyon, at kawalan ng mga benepisyo.