
ISANG linggo makaraang sabihin ng Department of Health (DOH) na walwng dapat ipangamba ang mga mamamayan, pumalo sa 8.8% ang antas ng COVIC-19 positivity rate – ang pinakamataas Enero.
Ayon kay Dr. Guido David ng grupong OCTA Research, patuloy din ang pagdami ng kumpirmadong positibo – kabilang ang 530 bagong kaso na naitala noong nakaraang Huwebes.
Sa kabuuan, umabot na sa mahigit 10,000 ang pasok sa kategorya ng ‘active cases’ ayon sa pinakahuling tala ng DOH.
Batay sa datos ng World Health Organization (WHO), pinakamataas ang antas ng hawaan sa National Capital Region (Metro Manila), Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) at Davao region.
Ikinabahala rin ng WHO ang mas mataas na bilang ng mga bagong kaso kumpara sa gumaling sa nakamamatay na karamdaman.
Kamakailan lang, hyagang sinabi ni Health Secretary Rosatio Vergeire na walang dapat ikabahala ang publiko sa kabila ng paglobo ng kaso ng mga kumpirmadong positibo. Katwiran ng DOH chief, maluwag pa naman ang mga pagamutan.
Ibinasura rin ng kagawaran ang panawagang ibalik ang mandatory facemask policy ng mga lungsod ng Maynila at Cadiz.
Gayunpaman, hinikayat ng Kalihim ang publiko na magsuot ng facemask sa mga matao at kulong na establisimyento.