Palaisipan pa rin sa gobyerno ang ginawang pag-aresto ng Chinese government sa tatlong Pilipinong pinaratangan ng pagiging espiya.
Bilang paunang hakbang, inatasan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Philippine Consular Office sa Guangzhou, China para tulungan ang tatlong Pinoy na nakulong sa naturang bansa.
Garantiya ni DFA spokesperson Teresita Daza, bibigyan ng legal assistance ng konsulado ang tatlong Pinoy na inaresto dahil umano sa paniniktik at pangangalap ng mga sensitibong impormasyon sa seguridad ng China.
Bukod aniya sa legal assistance, nakikipag-ugnayan na rin umano ang kagawaran sa mga opisyal ng China para alamin ang tunay na dahil sa likod ng pag-aresto.
“Hindi natin hahayaan ang mga Pinoy… ibibigay natin lahat ng pwedeng tulong.”
