Nagsisimula nang makaramdam ng pagkabagot sa loob ng detention center ng International Criminal Court (ICC) si dating Pangulo Rodrigo Duterte, pag-amin ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay sa batang Duterte, personal niyang nakausap ang amang nakakulong sa Scheveningen Prison facility sa The Hague, Netherlands.
“Paulit-ulit yung tanong niya kung kailan siya babalik sa Pilipinas. So yan yung kailangan pagtrabahuhan nating lahat,” dagdag pa ng bise presidente.
Mar 11 nang dakpin ng Philippine National Police (PNP) si Duterte bago pa man bumaba sa sinakyang eroplano mula sa Hong Kong.
Dakong alas 11:00 ng gabi ng parehong araw sapilitang isinakay si Duterte sa learjet patungo sa ICC Headquarters Netherlands para harapin ang kasong crimes against humanity kaugnay ng madugong giyera kontra droga sa ilalim ng nakalipas na administrasyon.
