PARA kay Ombudsman Crispin Remulla, hindi sapat ang pagbibitiw ng tatlong undersecretary na pinaniniwalaang sangkot sa maanomalyang flood control projects ng pamahalaan.
Sa isang pulong-balitaan, partikular na tinukoy ni Remulla sina dating Undersecretary Adrian Bersamin ng Office of the Executive Secretary, dating Department of Education Undersecretary Trygve Olaivar at dating Department of Public Works and Highways Undersecretary Roberto Bernardo na umano’y iniimbestigahan bunsod ng money laundering.
“They were working together in laundering money, it’s a major offense being committed,” ani Remulla.
Isa sa pinagbabatayan ng Ombudsman ang pag-amin ni Bernardo sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee kung saan inilahad ng dating DPWH official kung paano ibini-biyahe ang perang nakalaan para sa mga proyekto ng kagawaran.
