ARESTADO sa magkakahiwalay na operasyon ng Bulacan Provincial Police Office ang apat na indibidwal na pinaniniwalaang sangkot sa tinaguriang flood control scandal.
Batay sa impormasyong ibinahagi ng pulisya, inaresto ang apat na hindi pinangalanang indibidwal sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong malversation of public funds or property through falsification of public documents.
Gayunpaman, tatlo sa apat na inaresto ang dati nang nakakulong sa New Quezon City Jail sa Payatas — sina alyas Jun, Jaypee at Brice.
Samantala, kusang-loob naman sumuko ang ikaapat na suspek — 63-anyos na indibidwal mula sa bayan ng Bustos sa lalawigan ng Bulacan.
Walang inirekomendang piyansa ang husgado para sa apat na akusado.
