APAT sa kada 10 Pilipinong nasa hustong gulang ang hindi kasal, batay sa 2020 Census of Population and Housing na isinagawa ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Ayon sa PSA, sa 86.33-milyong Pilipinong lumahok sa pag-aaral noong 2020, 34.26 milyon (katumbas ng 39.7%) ang hindi kasal – mas mababa kumpara sa 34.54 milyon (katumbas ng 43.8%) na naitala noong 2015.
Sa naturang bilang, mas maraming lalaki ang hindi kasal. Sa Metro Manila nakapagtala ng pinakamaraming nagsasama billang magka live-in.
Samantala, 33.87 milyong Pinoy (katumbas ng 39.2%) ang nagpakasal ng nabanggit na taon – mas marami kumpara sa 32.35 milyong nagpatali noong 2015.
Batay sa datos ng PSA, 12.66 milyon (katumbas ng 14.7%) ang may kinakasama (live-in) noong 2020 – mas marami kumpara sa 7.24 milyon (katumbas ng 9.2%) na naitala noong 2015.
Mas mataas naman ang 1.9% ang bilang ng mga diborsyado, separado at maging yaong napawalang-bisa ang kasal noong 2020 kumpara sa 1.5% na naitala noong 2015.
Napako sa 4.5% ang bilang ng mga naulila sa pagpanaw ng asawa.