MATAPOS ang dalawang magkasunod na baryang rollback, dagdag-presyo naman ang nakatakdang ipatupad sa mga produktong petrolyong binebenta sa merkado.
Sa pagtataya ng kumpanyang Cleanfuel, inaasahan ang 70 sentimos na taas-presyo sa gasolina. Mas malaki naman ang inaasahang umento sa krudo na daragdagan ng 90 sentimos kada litro.
“Based on the four days of trading in the international oil market, it appears that there is a looming increase in the prices of petroleum products like gasoline, diesel and kerosene,” sambit ni Department of Energy (DOE) – Oil Industry Management Bureau assistant director Rodela Romero sa isang panayam sa radyo.
“We all know that we are dependent since we are a net importer,” aniya.
Ayon kay Romero, ang planong pagbabawas ng bansang Russia sa produksyon ng krudo at ang global oil demand forecast ang posibleng dahilan sa likod ng muling pagsipa ng presyo ng diesel sa pandaigdigang merkado.
Wala pang pahayag ang ibang kumpanya ng langis.