
NASA 7,226 kandito na tatakbo sa posisyong barangay chair ang walang kalaban sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan elections (BSKE).
Base sa Commission on Elections (Comelec) data, pinakamataas na bilang sa unopposed candidates sa barangay posisyon ay sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), Eastern Visayas, Western Visayas, at Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal and Quezon) regions.
Mayroong 42,027 barangays sa 17 region sa bansa, 82 lalawigan, 145 siyudad at 1,489 munisipalidad.
Umaabot din sa 1,611 kandidato sa posisyon ng konsehal ang walang kalaban.
Sa Sangguniang Kabataan election, wala ring kalaban ang 8,057 SK chairpersons, habang 10,620 youth council member positions – karamihan ay nasa BARMM – ang tiyak na ang panalo.
Ayon sa probisyon sa ilalim ng Omnibus Election Code, simpleng isang boto lamang ang kailangan ng mga unopposed candidate para pormal ang panalo nito.
Samantala, 10 sa 42,207 barangays ang walang kandidato sa pagka-chairman.
Ang mga barangay na ito ay nasa BARMM, Zamboanga Peninsula at Central Visayas. Wala ring kandidato sa SK posts sa 124 barangays na nangangahulugang sinumang SK councilor candidates na may pinakamataas na boto ang magiging SK chair.