Ni Edwin Moreno
PERSONAL na naranasan ni Armed Forces of the Philippine Chief of Staff, General Romeo Brawner Jr. na gamitan ng water cannon at bombahin ng China Coast Guard nang sumama ang heneral sa huling Rotation and Resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal nitong nakaraang Linggo.
Nabatid na nagbalatkayo at palihim na sumama si Brawner at sumakay sa MB Unaiza May 1 isa sa dalawang Philippine Navy chartered resupply boat para magtungo sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, upang personal na ihatid din ang mensahe ni pangulong Ferdinand Bongbong Marcos jr., upang itaas ang morale ng mga sundalong nakadestino roon.
Dahil dito ay personal ding naranasan mismo ni Brawner ang pangha-harass ng China matapos tugaygayan mula pa madaling araw ng Linggo hanggang sa bombahin ng tubig ng China Coast Guard habang tinatahak ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Ayon kay Col. Xerxes Trinidad, kasalukuyang AFP Public Information Office chief, a personal na inihatid ni Gen. Brawner ang mensahe ni Pangulong Bongbong Marcos sa mga sundalo kung saan kinikilala niya ang sakripisyo at serbisyo ng mga ito na hindi nagpapatinag sa pagtupad ng kanilang misyon.
Sa kabila na rin ito ng patuloy na panggigipit ng China sa mga barko ng Pilipinas na nagsasagawa ng resupply mission.
Samantala, tiniyak ni Brawner ang kauna unahang AFP Chief of Staff na nakatungtong sa nakasadsad na Naval station ng Pilipinas sa mga sundalo sa BRP Sierra Madre na hindi sila pababayaan ng pangulo at ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Maliban dito, buo aniya ang suporta ng sambayanang Pilipino sa kanilang trabaho.
Samantala sa pahayag ng China Coast Guard, sinisi ng China ang Pilipinas at sinabing hindi ito nakinig sa mga babala nito. Nagsagawa rin daw umano ang Unaiza May 1 ng unprofessional at dangerous manner.
Ayon kay Gen Brawner, nung binangga, nung winater cannon kami, mga ilang beses silang dumaan sa harap namin, tapos gusto pa kaming atrasan nung coast guard. . Eh di kinut kami sa harap. nung lampas na sya, di tutuloy na sana kami aatrasan pa kami kaya, lokoloko talaga…(CCG)
“Nagalit ako dahil dun sa ginagawa nila, sa tingin ko hindi nila alam na nandun ako e, hindi nila alam na ako yung sakay kaya ganun yung taktika nila,” sabi ni Brawner.
Nabatid na nakatakdang talakayin nina Brawner, Secretary of National Defense Gilberto Teodoro, Philippine Navy at National Task Force on West Philippine Sea ang huling kaganapan
Ilang maritime experts ang nagsasabing kaya ganun ka agresibo ang China ay seryoso silang angkinin ang karagatang saklaw ng Pilipinas..
Samantala, inihayag ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS), na illegal na naglatag ulit ang Chinese Coast Guard ng floating barrier sa southeast entrance ng Bajo De Masinloc.