PARA sa Kalihim ng Department of Health (DOH), higit ang peligrong dulot ng mga aksidente sa kalsada kumpara sa mga paputok na ginamit sa pagsalubong ng bagong taon.
Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, mas maituturing na public health concern ang mga kaganapang kinasasangkutan ng mga sasakyan sa lansangan.
Ang basehan ni Herbosa — marami ang pumanaw sa road crash at pagtawid sa kalsada, habang wala naman aniyang namatay sa nagdaang pagsalubong na kalakip ng pagpasok ng taong 2026.
Katunayan aniya, mas marami pa ang naitalang aksidente sa kalsada kaysa sa bilang ng mga taong naputukan.
Sa datos ng DOH, umabot sa 1,384 ang naitalang road crash injuries. Pito umano sa10 nakamotor ay namatay. Sa mga pumanaw na rider, anim aniya ang walang helmet.
Karamihan din umano sa mga sangkot sa aksidente ay mga maliliit na sasakyan tulad ng tricycle at motorsiklo.
Lumalabas din sa datos DOH na nasa edad 15-29 anyos na lalaki ang karamihan sa mga biktimang bukod sa walang helmet ay nakainom pa ng alak. (JULIET PACOT)
