
SA napipintong pagbibitiw ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos, kabilang sa mga napipisil na pamalit sa Department of Interior and Local Government (DILG) si Special Assistant to the President Antonio Lagdameo Jr.
Bukod kay Lagdameo, kabilang rin sa shortlisted nominees sa pwesto sina Navotas Rep. Toby Tiangco, National Security Adviser Eduardo Año, Cavite Governor Jonvic Remulla, South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr., at Quirino Governor Dakila Carlo Cua.
Gayunpaman, usap-usapan sa Palasyo ang pagkiling ni Marcos sa kababatang si Lagdameo matapos tumanggi sa alok si Tamayo na mas piniling kumandidato sa lokal na posisyon pagsapit ng 2025 midterm elections.
Si Tamayo ang presidente ng Partido Federal ng Pilipinas habang si Cua naman ang pinuno ng Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP).
Kabilang si Abalos sa mga pambato ng administrasyon sa 2025 senatorial derby.