
SA isang pambihirang pagkakataon, nagpamalas ng pinag-isang suporta para isulong ang adbokasiya ng tinaguriang Hari ng Pelikulang Pilipino – ang yumaong si Fernando Poe Jr – sa likod ng grupong FPJ Panday Bayanihan sa bisa ng paglahok sa 2025 midterm elections bilang partylist group.
Sa harap ng bantayog ni Fernando Poe Jr. na mas kilala sa bansag na Da King, ipinagdiwang ng mga mamamayan mula sa sektor ng kabataan, transportasyon, maralitang tagalungsod, magsasaka, mangingisda, mga frontliners at maging mula sa “informal sector” ang pagsabak sa halalan ng FPJ Panday Bayanihan.
“We, the Political Officers League of the Philippines, together with our nationwide network are fully supporting FPJ Panday Bayanihan partylist group,” wika ni Ric Serrano na tumatayong PolPHIL Secretary General.
“May you relive the aspirations and advocacies of the King FPJ, the 14th President of the Republic of the Philippines in the hearts and minds of the Filipino people,” dagdag ni Serrano.
Kasama rin bumuhos ng suporta ang hanay ng mga kabataan kinakatawan ni Krissy Abesamis ng grupong Bayanihan – Manila Chapter. “Alam namin bubuhayin ng FPJ Panday Bayanihan ang adhikain ni Da King FPJ na minahal ng mi,yong Manileño… push FPJ Panday Bayanihan Partylist.”
Bahagi rin daluyong ng mga tao sa bantayog ni Da King ang mga dating miyembro ng Filipinos for Peace, Justice and Prosperity Movement (FPJPM) at iba pang tagasuporta ni FPJ mula pa sa kanyang 2004 presidential bid. Anila, ang kanilang pagdalo ay patunay ng patuloy na suporta sa simulain ng yumaong aktor na patuloy naman anilang isinusulong ng FPJ Panday Bayanihan Partylist.
Para kay Raymond “Manolo” Mercedes na pasok sa hanay ng mga haligi ng original FPJ supporters, muling sumibol ang pag-asa ng mga pangkaraniwang mamamayan – “May bagong umagang parating para sa pagpapanday ng kinabukasan ng bansa.”
Binigyang-diin din ni Mercedes ang kahalagahan muling magsama-sama para sa sabayang pagkilos matiyak lang na may titindig sa masa pagdating sa Kamara sa usapin ng katarungan, pagkakaisa at tunay na serbisyo sa bayan.
Layon ng FPJ Panday Bayanihan itaguyod ang karapatan at kapakanan ng pinakaabang sektor ng lipunan — alinsunod sa hangarin ng yumaong Fernando Poe Jr.