SIMULA ngayong araw, maaari nang magsumite ng aplikasyon ang mga indibidwal na nagnanais na kumuha ng Career Service Examination – Pen and Paper Test (CSE-PPT) na isasagawa sa August 11, 2024.
Sa isang kalatas, inihayag ng CSC na saklaw ng pagsusulit mga kategorya ng Professional at Subprofessional Level.
Panawagan ni CSC Chairperson Karlo Nograles, agapan ang pagsusumite lalo pa’t nalalapit na aniya ang deadline na itinakda sa Hunyo 13.
Ipinabatid din ng CSC head na para sa August 11 examinations, mayroong mahigit sa 90 testing centers sa 16 rehiyon sa buong bansa sa hangaring tugunan ang inaasahang bilang ng examinees na target makakuha ng eligibility para sa first at second level positions sa government service.
“We are encouraging interested applicants to apply as early as possible since acceptance of applications shall be on a first-come, first-served basis and may be closed any time before the deadline once the CSC Regional or Field Office has already reached the target number of applicants. Hindi lamang ito magbibigay sa inyo ng mas maagang pagkakataon na maproseso ang inyong aplikasyon, kundi pati na rin ng pagkakataon na makapaghanda nang maigi para sa mga sumusunod na hakbang,” pahayag ni Nograles.
Ipinaalalahan din ng CSC ang mga intersadong mag-exam na sundin ang mga sumusunod na admission requirements para maging kwalipikado sa para sa CSE: Dapat ay Filipino citizen; edad 18-anyos pataas sa petsa ng filingng application; may good moral character; hindi pa nahatulan ng husgado sa kasong pasok sa kategorya ng moral turpitude, o disgraceful o immoral conduct, dishonesty, examination irregularity, drunkenness, o addiction to drugs; at hindi pa nasibak bilang pulis, sundalo o alimang tanggapan ng gobyerno.
Gayundin, ang applicants ay dapat hindi pa nakakuha ng katulad ng lebel ng Career Service Examination, maging ito man ay sa pamamagitan ng PPT o Computerized Examination sa loob ng tatlong buwan bago ang date ng exam, o mula Mayo 11 hanggang Agosto 10, 2024.
Ang mga indibwal na makapapasa sa nasabing kuwalipikasyon, anumang ang kanilang ay kinakailangang maisumite ang mga sumusunod: Fully accomplished application form (CS Form No. 100, Revised 2023 – Career Service-Professional/Career Service-SubProfessional) na makukuha sa CSC Regional/Field Offices, o kaya’y i-download ito sa CSC website at i-print sa legal size bond paper; apat na kopya ng passport size ID pictures na may handwritten name tag, na mayroong din lagda sa itaas ng printed full name; Original at photocopy ng anumang valid ID cards para sa civil service exam; at pagbabayad ng examination fee na P500.
Hinikayat din ni Nograles ang mga aplikante na makipag-ugnayan sa CSC Regional o Field Office kung saan nila planong kumuha ng examination para mabatid ang paraan sa paghahain ng application at iba pang procedures.
Ang kumpletong directory ng CSC offices sa buong bansa ay maaaring makita sa CSC website (www.csc.gov.ph).
Para sa kumpletong application requirements at procedures, ang mga applicant ay inaabisuhan na basahing mabuti ang Examination Announcement No. 6, s. 2024 na naka-post sa CSC website.
……………
