LAGPAK ang approval ratings kapwa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President and Education Secretary Sara Duterte sa huling yugto ng 2023, ayon sa Pulse Asia survey na inilabas ngayong Lunes.
Nabatid na ang approval rating lamang ni Marcos ay 65% nitong Setyembre.
Mas mababa ito mula sa 80% noong Hunyo.
Samantala, ang approval rating natin ni Duterte ay bumagsak sa 73% noong Setyembre mula sa mataas na 84% noong Hunyo.