HINDI man sa bisa ng extradition, inaasahan pa rin ang pagbabalik sa bansa ni former Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr., sa paraan ng deportation.
Pag-amin ng anak ng wanted na kongresista, sapilitang biniyabit ng mga operatiba ng immigration bureau ng Timor Leste ang kanyang ama.
Sa Facebook post ni Axl Teves, pwersahan umano ang pag-aresto sa kanyang ama ng mga operatiba ng Timor Leste immigration bureau. Wala rin aniyang ipinrisintang warrant o iba pang dokumento bago isinagawa ang pagdakip.
Nahaharap si Teves sa mahabang talaan ng kasong kriminal kabilang ang pagpatay dating Negros Oriental governor Roel Degamo at siyam na iba pa.
Samantala, nagpahayag ng kahandaan ang Department of Justice (DOJ) na sunduin ang dating mambabatas.
“We reiterate that the Philippines has been prepared to bring Mr. Teves home to face the charges against him since the time our request for his extradition was first granted.”
“We continue to work closely with the appropriate authorities in Timor-Leste and stand by to act the moment a formal process is initiated,” ayon sa DOJ.
