
HINDI man hayagan, saklolo ang hirit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nation (Asean) kaugnay ng usapin sa South China Sea.
Sa isang talumpati sa 19th East Asia Summit sa Lao People’s Democratic Republic, partikular na tinukoy ni Marcos ang pagpapatibay ng Asean-China Code of Conduct para pahupain ang panganib tensyon sa South China Sea kung saan higit na apektado ang kalakalan ng mga bansa sa rehiyon ng Pasipiko.
Ani Marcos, nananatiling estratehikong hamon sa Asean ang usapin sa South China Sea – bagay na masosolusyunan lamang aniya kung papaspasan ng Asean ang proseso ng negosasyon para matapos na ang Asean-China Code of Conduct.
Sa kaugnay na balita, hinikayat din ng Pangulo ang si Canadian Minister Justin Trudeau na itulak sa Group of 7 (G7) ang posisyon ng Pilipinas sa South China Sea kung saan kasama sa pilit inaangkin ng China ang 2oo-nautical mile Philippine exclusive economic zone.
Pinasalamatan din ni Marcos si Trudeau sa patuloy na suporta sa Pilipinas sa paninindigan sa “rule of law.”
Tiniyak naman ni Trudeau na susuklian ng Canada ang ambag ng Pilipinas ekonomiya ng kanilang bansa.