HINDI magiging madali para sa Pilipinas ang mga susunod na resupply mission matapos palibutan ng mga sasakyang dagat ng China ang Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea.
Pag-amin ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, hindi bababa sa 24 barko ng China ang nasa bisinidad ng Ayungin Shoal na pasok sa 200-nautical mile Philippine exclusive economic zone (EEZ).
todo-bantay sa BRP Sierra Madre na nagsisilbing outpost ng Pilipinas sa inaangking teritoryo.
Batay sa mga larawang kuha sa nakalipas na apat na araw, partikular umanong binabantayan ng Chinese Coast Guard ang BRP Sierra Madre na nagsisilbing naval outpost ng Armed Forces of the Philippines sa teritoryong inaangkin ng China.
Nang tanungin kung ano magiging tugon ng Philippine Navy, wala pa umanong adjustment na ipatutupad ang AFP hinggil sa sitwasyon.
Buwan ng Hulyo pa huling nadalhan ng ng pagkain, tubig, gamot at iba pang pangangailangan ang mga sundalong Pinoy na sakay ng nakasadsad na BRP Sierra Madre.
