HINDI limitado sa POGO ang scam farm, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kasabay ng babala laban sa di umano’y modus ng mga di pa natutukoy na grupo o indibidwal na nagpapakilalang kawani ng naturang ahensya.
Sa isang abiso, partikular na pinag-iingat ng BSP ang publiko laban sa mga gumagamit ng mga pekeng dokumento, dinoktor na lagda ng opisyal at hindi kinopyang BSP logo sa mga liham, email, social media at iba pa.
Suspetsa ng BSP, target ng mga naturang grupo o indibidwal makakuha ng impormasyon para makapang-gantso, gamit ang pangalan ng ahensya.
“Bilang proteksyon sa sarili, iwasang magbigay ng personal at financial account information at huwag ding basta magpadala ng pera sa mga kahina-hinalang indibidwal o entity,” wika ng BSP sa isang pahayag.
Hirit pa ng BSP, maging mapanuri.
“Pinapayuhan ang publiko na suriing mabuti ang mga mensaheng natatanggap o transaksyong inaalok mula sa mga nagpapakilalang kinatawan ng BSP, at agad i-report ang mga kahina-hinalang mensahe.”
