MAGANDANG balita ang bungad sa mga motorista sa pagbubukas ng taon bunsod ng inaasahang rollback sa produktong petrolyo sa unang linggo ng Enero.
Sa magkakahiwalay na anunsyong inilabas ng Chevron Philippines Inc. (Caltex), Petron Corp., Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Corp., 10 sentimong tapyas ang ipatutupad sa presyo ng gasolina, habang 35 sentimos kada litro naman sa krudo.
Nasa P1.40 naman ang anila’y babawasin sa presyo ng kerosene.
Magkakabisa ang rollback sa hudyat ng alas 6:00 ng umaga ng Enero 2.
Bago lumabas ang anunsyo ng rollback, itinaas ng mga kumpanya ng langis ang presyo ng binebentang petrolyo sa merkado – P1.60 sa gasolina, P1.70 sa krudo at P1.54 naman sa kerosene.