PINAWI ng Korte Suprema ang agam-agam sa loob ng hudikatura sa bisa ng isang resolusyon hinggil sa paggamit ng tinatawag ng artificial intelligence (AI).
Sa isang en banc resolution na may petsang Pebrero 18, pinagtibay ng mga mahistrado ang Governance Framework sa paggamit ng human-centered augmented intelligence sa hudikatura.
Sa ilalim ng naturang resolusyon inilatag ang gabay sa responsableng paggamit ng AI na nakabatay sa “fairness, accountability and transparency.”
Pinangunahan ni Senior Associate Justice Marvic Leonen ang pagbalangkas ng Governance Framework kasama sina Associate Justices Ramon Paul L. Hernando at Rodil V. Zalameda.
Paglilinaw ng mga mahistrado, ang AI ay suporta lamang at hindi kapalit ng human judgment sa pagdedesisyon ng hukuman.
Ipinag-utos din ang “disclosure” sa paggamit ng AI sa mga desisyon sa kasong nilitis ng hukuman.
Samantala, nakatakda din ang pagbuo ng isang permanenteng komite na gagabay sa paggamit ng AI sa hudikatura.
