![](https://saksipinas.com/wp-content/uploads/2023/10/poe221212.webp)
Ni Estong Reyes
MATINDING kinondena ni Senador Grace Poe ang panibagong panggigipit ng China sa West Philippine Sea matapos magkaroon ng Chinese vessel ang barko ng Philippine Navy na nagsasagawa ng resupply mission malapit sa Ayungin Shoal.
Sa pahayag, ikinabahala ni Poe ang huling insidente na nagpa-init sa tensiyon sa pagitan ng Pilipinas at China na maaaring simulaan ng sigalot sa rehiyon.
“China’s latest act of aggression poses a credible concern that could heighten the tension not only between Philippines and China, but could also be a potential flashpoint in the region,” giit ni Poe
Habang inaasahan ang diplomatic protest, nananawagan ang huling insidente na muling pag-isipan ang atint estratehiya sa pagtugon sa ganitong panghihimasok at panggigipit ng China.
“Habang matibay na iginigiit natin ang karapatan sa ating karagatan, dapat ipagpatuloy ang pagpapatibay ng ating relasyon sa may katulad na kaisipan upang mapigilan ang parehong pala-away na pagkilos,” ayon kay Poe.