IPINATAWAG ng Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon ang Chinese ambassador to the Philippines matapos ang naganap na banggaan sa pagitan ng China Coast Guard (CCG) vessel at Philippine resupply boat sa Ayungin Shoal.
“Ginagamit natin ang diplomatic process at kasama ditto ang pagpapatawag sa Chinese ambassador,” sabi ni DFA spokesperson Teresita Daza.
Si Chinese Ambassador Huang Xilian ay kinatawan ng ni Assistant Secretary for Asia Pacific Affairs Aileen Mendiola-Rau.
Sinabi ni Daza na hindi pa nailalabas ang mga impormasyon na napag-usapan sa pulong.
Sa tugon sa protesta, sinabi ni Chinese Embassy Deputy Chief of Mission Zhou Zhiyong na matindi nilang kinokondena ang naganap na kolisyon.
“China once again urges the Philippines to take seriously China’s grave concerns, honor its promise, stop making provocations at sea, stop making dangerous moves, stop groundlessly attacking and slandering China,” sabi ni Zhiyong sa statement.
Nanindigan si Zhou na ang Ayungin Shoal, na tinawag nina Ren’ai Jiao, ay bahagi ng Nansha Qundao ng China at ito ay teritoryo umano ng China.
Inulit ni Zhou ang panawagan ng Beijing na i-tow ang illegal na nakahimpil na waship sa lalong medaling panahon upang manatili ang kapayapaan sa South China Sea.
Ang tinutukoy ni Zhou ay ang BRP Sierra Madre na nasa Ayungin Shoal mula pa nong 1999.