MATAPOS ang metikulosong pagsusuri, binigyan pahintulot ng Commission on Elections (Comelec) ang paglahok ng 156 partylist groups sa nalalapit na 2025 midterm election.
Kabilang sa mga nasa talaan ng mga kwalipikadong partylist groups ang FPJ Panday Bayanihan kung saan punong nominado si Brian Poe Llamanzares na anak ni outgoing Senator Grace Poe.
Pasok din sa mga partylist groups na target makakuha ng pwesto sa Kamara de Representantes ang Duterte Youth ng mag-asawang Ronald at Drixie Cardema, EPANAW ni Lorraine Badoy na kilala sa red-tagging sa hanay ng mga aktibista, People’s Champ ni national artist Nora Aunor, Agimat ng pamilya ni Senador Bong Revilla at mga militanteng grupo tulad ng Bayan Muna Gabriela at ACT-Teachers partylist group.
Sa 156 partylist groups, 42 ang bago.
