TINATAYANG nasa 8,000 katao ang na-stranded sa mga pantalan sa iba’t ibang bahagi ng bansa bunsod ng bagsik ng bagyong Kristine, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).
Sa datos ng PCG, kabilang sa mga na-stranded ang mga pasahero, drayber ng mga trak at kasamang pahinante sa mga pantalan na nakabase sa Metro Manila, Central Luzon, Southern Tagalog, Northwestern Luzon, Bicol, Northeastern Luzon, Northeastern Mindanao, Central, Eastern, Western at Southern Visayas
Pinakamarami ang na-stranded sa Bicolandia — 3,033 pasahero, habang nasa 1,554 na indibidwal ang natengga sa mga pantalan sa Northeastern Mindanao.
Ayon sa PCG, apektado ng bagyong kristine ang operasyon ng 136 daungan sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Kabilang naman sa mga hindi pinahintulutan maglayag ang 2,736 rolling cargoes, 147 barko at 65 bangkang de motor.
Samantala, napilitan maghanap ng ligtas na masisilungan ang 326 barko at 313 bangkang de motor na inabutan ng masamang panahon sa gitna ng karagatan.
“In collaboration with the Philippine Ports Authority at iba pang mga concerned agencies, nabibigyan natin sila ng kaunting tulong sa pagkain para maka-sustain habang sila ay hindi pa makabyahe,” wika ni PCG spokesperson Commodore Algier Ricafrente.
“Ganun din ang tulong natin with the local government,” dugtong ni Ricafrente.
Inaasahan naman lalabas sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong kristine bukas ng hapon.
Karagdagang Balita
DPWH TATALUPAN SA PALPAK NA FLOOD CONTROL PROGRAM
PANIBAGONG BAGYO, KUMAKATOK NA SA PINAS
WALANG DAGDAG-BAWAS SA REKORD NG BLUE RIBBON