Comelec chair George Garcia
SA pagnanais na walisin ang mga “panggulo” sa nalalapit na halalan sa Mayo, puspusan ang isinasagawang pagsusuri ng Commission on Elections (Comelec) sa mga nais kumandidato sa 2025 midterm elections.
Sa unang sultada ng pagsusuri, 66 sa kabuuang 183 aspirante ang pasok na sa talaan ng kandidato para punan ang 12 mababakanteng pwesto sa senado pagsapit ng Hunyo ng susunod na taon.
Paglilinaw ni Comelec Chairman George Garcia, posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga senatorial candidates lalo pa’t patuloy ang isinasagawang pagsala sa mga listahan ng mga nagsumite ng Certificate of Candidacy (COC).
Samantala, hanggang Lunes na lang ang takdang panahon sa mga nais maghain ng petisyon para maideklarang nuisance ang isang kandidato.
Target namang matapos ng Law Department ang listahan ng mga kandidato sa pagka-senador at partylist na isusumite nila sa commission en banc sa Miyerkules.
