KINASTIGO ng Korte Suprema ang Commission on Elections (Comelec) kaugnay ng di umano’y grave abuse of discretion matapos tablahin ang Smartmatic sa pagsali sa bidding para sa halalan.
“The SC held that Comelec committed grave abuse of discretion when it disqualified Smartmatic before it had submitted any bids, without any reference to the eligibility requirements prescribed by its Bids and Awards Committee,” pahayag ni Atty. Camille Ting na tumatayong tagapagsalita ng Korte Suprema.
Gayunpaman, nilinaw ni Ting na hindi batayan ang pasya ng Korte Suprema para ipawalang-bisa ang kontratang nilagdaan ng Comelec sa Miru Systems ng South Korea para sa vote-counting machines (VCMs) na gagamitin sa 2025 elections.
Buwan ng Nobyembre ng nakaraang taon nang diniskuwalipika ng Comelec ang Smartmatic mula sa lahat ng procurements ng poll body bunsod ng di umano’y panunuhol kay dating Comelec chairman Andres Bautista.
