Ni ROMEO ALLAN BUTUYAN II
AGAD na nagbunga at nabigyan ng katuparan ang lambing ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa Estados Unidos hinggil sa dagdag tulong – sa aspeto ng pagpapalakas sa military capabilities ng bansa at pagpapabuti sa kabuhayan ng mga Pilipino.
Sa botong 385-34, inaprubahan ng US House ang $8.1-billion bill kung saan halos $4 billion ng nasabing halaga ay bilang security assistance para sa Taiwan, Pilipinas at iba pang Indo-Pacific allies ng Amerika.
Nabatid na mayroong ding $1.9 billion halaga ng pondo ang inaprubahan para naman sa muling paglalagay ng US stocks na naglalayon tulungan ang Asian allies – bukod pa sa $3.3 billion para sa submarine infrastructure at iba pa.
Pormal nang nagpaabot si Romualdez ng kanyang pasasalamat sa US House sa maituturing na bipartisan support panukalang tulong sa mga Pilipino sa gitna na rin ng patuloy na tensiyon sa West Philippine Sea.
“This is a momentous occasion that underscores the enduring partnership between our nations and the unwavering commitment of the U.S. to fostering stability and prosperity in the Indo-Pacific,” pahayag ng House Speaker.
“We are deeply grateful for the bipartisan effort that has led to the approval of this crucial assistance, which will undoubtedly strengthen the security and resilience of our region,” dugtong niya.
Partikular na pinasalamatan ni Speaker Romualdez si Rep. Darrell Issa (R-Calif.), na may akda ng panukala kung saan partikular na nakasaad ang pagbibigay ng US State Department ng $500 million bilang Foreign Military Financing sa Pilipinas.
“The passage of this amendment underscores the deepening partnership between our nations and highlights the United States’ commitment to enhancing the defense capabilities of the Philippines,” aniya pa.
“I extend my heartfelt gratitude to Rep. Darrell Issa for his steadfast dedication to advancing our shared interests and for his pivotal role in advocating for this significant allocation of military aid to the Philippines,” dagdag ng House Speaker.
Matatandaan na una rito ay nagkaroon ng serye ng pag-uusap ang Philippine House delegation, sa pangunguna ni Speaker Romualdez, sa ilang ranking members ng American legislation sa Capitol Hill Washington, D.C.
Ito’y kasabay na rin ng kauna-unahan at makasaysayang trilateral summit sa pagitan nina US President Joe Biden, Japan Prime Minister Fumio Kishida, at Philippine President Ferdinand Marcos Jr.
