
IKINAGULAT ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakasangkot ng kanyang pangalan sa sinasabing balak na destabilisasyon laban ng gobyerno
Nauna nang inamin ni Armed Forces chief Gen. Romeo Brawner Jr. na may grupong nais guluhin at pabagsakin ang gobyerno kung saan sinasabing ilang retiradong heneral ang sangkot dito at may mga balitang si Duterte ang utak nito.
“I really do not know how I was dragged into this,” sabi ni Duterte Gikan sa Masa Para sa Masa program na iniere sa Sonshine Media Network International (SMNI).
Habang aminado si Duterte na nakipagpulong siya sa ilang retiradong heneral, wala umanong destabilisasyon na napag-usapan sa pulong.
“What I said during our meeting, among others, was as long as there is no serious issue of corruption (there would be no coup),” sabi ni Duterte. “What would bring the government down… is if the people would know that their money is being spent on personal matters,” ayon pa rito.
Sinabi ni Duterte na posibleng na ‘misquote’ siya ng iba dahil wala naman umano siyang nababalitaang seryosong isyu ng korupsiyon sa gobyerno sa ngayon.
“I do not see any in the horizon, however short or long. I don’t think that there are current issues big enough to create another turmoil. The biggest issue that would cause it would be corruption in government that’s rampant, uncontrolled and unabated,” dagdag pa ni Duterte.