NI LILY REYES
LIMANG araw na ang nakaraan mula nang lumabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Kristine, pero ang hapdi ng delubyo patuloy na nararamdaman ng sambayanan.
Batay sa pinakahuling ulat ng bilang ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), lumobo na sa 145 ang bilang ng mga nasawi sa hagupit ng super bagyo.
Bukod sa mga binawian ng buhay, umabot na rin sa 115 ang sugatan habang 28 iba pa ang nawawala.
Sa gitna ng pahirapang search and rescue operation, inaasahan pa ang pagtaas sa bilang ng mga namatay.
Nasa 7,134.594 milyong indibidwal (katumbas ng 1.8 milyon pamilya) ang naapektuhan ng kalamidad mula sa 10,181 barangay sa iba’t ibang panig ng bansa.
Samantala, umaabot naman sa mahigit P2.8 bilyon ang pinsala sa agrikultura sa buong bansa habang nasa P1.5 milyon naman ang pinsala sa imprastraktura.
