MULA sa pagiging pinaka maingay na kritiko, biglang naging tagapagtanggol ng kasalukuyang administrasyon si former President Rodrigo Duterte.
Sa kanyang talumpati kasabay ng Partido Demokratikong Pilipino (PDP) national assembly sa Davao City, hayagang sinabi ni Duterte na walang naman aniyang nagawang malaking pagkakamali si Marcos mula nang naluklok sa Palasyo bilang Presidente ng bansa.
“As long as the government is run in a regular way, I can live with Marcos in charge. Wala namang masasabing malaking pagkakamali, otherwise I would be the first really to shout… I think I can live with him, I can bear with him. Huwag lang yung kagaya noong may mga abuso, then there is favoritism, lalo na sa military na kung sino lang papasok na gusto nila… As long as the government is run in a regular way, wala naman tayong problema,” sambit ni Duterte.
Para sa dating Pangulo, malaking bentahe sa isang demokratikong bansa ang kritisismo para magkaroon aniya ng tinawag niyang “checks and balance” sa pamahalaan.
Buwan ng Enero nang paratangan ni Duterte si Marcos na gumon sa droga – alegasyon kanyang binawi kalaunan.
Itinigil din ni Duterte ang panawagan nagsusulong na humiwalay ang Mindanao para maging isang malayang bansa.
Pag-amin ng former President, hindi madali ang trabaho ng Pangulo.
“All you need to do is a meager amount to get into the office, but once you are there, you have to dispense with so many problems of humanity, including expenses of the election. But more of the money will go into social services… Walang pera sa politika.”
“Kaya minsan, ang akala talaga ng karamihan, perception is baka akala talaga nila magnanakaw yung mayor pati governor. As a matter of fact, ipit ang mga kamay nila… Kung talagang may pera na pwede niyong minahin niyo man, dagdag ka pa. Maski may pera sa gobyerno, kung talagang you want to solve the problem of humanity once you are in public office, kulang pa yan… kasi the government can only appropriate P300,000 discretionary funds.”
“Hindi madali ang public office. Maski sabihin mo magnakaw ka ng pera. Mauubos din yan sa tulong ng tao, kasi paglabas dyan sa budget, you are only limited to medical assistance. You cannot program the sickness or ailments of a community… maski na sabihin mo gusto mong magnakaw, wala kang panahon magnakaw kasi kailangan ng tao,” aniya pa.
Sa kanyang termino, ipauubaya na rin umano niya sa publiko ang paghuhusga sa kalidad ng pamumuno.
“Tapos na rin ako. Whether or not, in your judgment, I succeeded or nagnakaw ako or hindi, nasa inyo na ‘yan. I cannot proclaim to the world that I was the most honest public official in the land,” pagtatapos ni Duterte.
