Kuha ni Chris Lucas
ALINSUNOD sa Republic Act 10389 (Recognizance Act of 2012), inatasan ng Department of Justice) ang piskalya na ibaba ang piyansa ng mga maralitang akusadong nahaharap sa kasong kriminal.
Ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla, mas magiging madali ang isinusulong na ‘decongestion of jails’ kung ang bawat akusadong nahaharap sa mga kaso maliban sa ‘heinous crimes’ ay makakapaglagak ng piyansa.
“In the interest of social justice and to afford justice for all, and in line with existing laws, all prosecutors in the Department shall henceforth consider the financial capacity of the accused when recommending the amount of bail in criminal information for filing in court,” ayon sa kalatas na nilagdaan ni Remulla.
“At the start of the inquest or preliminary investigation proceeding, the investigating prosecutor shall inquire from the respondent where or not he or she claims indigency.”
Sa ilalim ng RA 10389, kinilala ang karapatan ng ng bawat akusadong makalaya pansamantala sa bisa ng piyansa. Gayunpaman, ani Remulla, marami sa mga nakapiit ang walang kakayahan.
Paglilinaw ng Kalihim, hindi saklaw ng circular ang mga nahaharap sa mga kasong may karampatang parusang reclusion perpetua.
Una nang inamin ng Bureau of Corrections at Bureau of Jail Management and Penology ang malubhang sitwasyon ng mga kulungan sa iba’t ibang panig ng bansa – bagay na tinugon ng Korte Suprema matapos maglabas ng Administrative Circular 38-2020 na nagpapataw ng mas mababang piyansa para mga pobreng “persons deprived of liberty.”
