Ni ROMEO ALLAN BUTUYAN II
PINAPURIHAN ng Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang Department of National Defense (DND) partikular naging hakbang ng ahensya na maglagay ng naval detachment sa Aurora province sa layuning bantayan at protektahan ang sovereign rights ng bansa sa Philippine Rise o Benham Rise.
Kasabay nito, muling iginiit ng ranking House official ang kanyang unang panawagan na magkaroon ng military facility, sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) upang mapalakas ang paglalatag ng seguridad sa malawak na eastern seaboard ng bansa.
“Defense Secretary Gibo Teodoro and the AFP’s move to build a naval detachment in Casiguran, Aurora province was laudable as this would play a role in protecting and guarding the country’s eastern seaboard,” pahayag pa ni Barbers na tumatayong chairman ng House Committee on Dangerous Drugs.
Gayunpaman, nilinaw ng Mindanaoan lawmaker na sa hindi pa rin sapat ang kapasidad ng Pilipinas para bantayan ang Silangang bahagi ng karagatan, kung saan matatagpuan ang Philippine Rise, mula sa walang pakundangan pagpasok ng China at iba pang dayuhang bansa at maging mga sasakyang-dagat na gamit sa pagpupuslit ng ilegal na droga.
Kaya naman inimbitahan ni Barbers at kapatid niyang si Surigao del Norte Gov. Lyndon Barbers ang mga Filipino at American military officials na tignan ang kanilang lalawigan sa posibilidad na magkaroon ng US military facilities.
“Surigao del Norte has a distinct advantage as it is openly facing the Pacific Ocean and has an outlet to the West Philippine Sea. The ships can traverse the country from east to west and vice versa without needing to circle around,” wika pa ng kongresista.
Nabatid kay Barbers na sa kasalukuyang, may limang Philippine military installations ang itinalaga noon pang 2016 bilang EDCA sites –kabilang ang Basa Air Base sa Pampanga, Fort Magsaysay sa Nueva Ecija, Antonio Bautista Air Base sa Palawan, Mactan-Benito Ebuen Air Base sa Cebu, at Lumbia Air Base sa Cagayan de Oro.
Mayroon namang apat na bago o karagdagang EDCA sites, na inihayag mismo ng US Defense Department, at ito ay ang Naval Base Camilo Osias sa Sta. Ana, Cagayan; Camp Melchor Aquino sa Gamu, Isabela; Balabac Islands sa Palawan; at Lal-Lo Airport sa Cagayan.
Layon ng pagpapalawak ng US military facilities tapatan ang patuloy na panghihimasok ng China sa West Philippine Sea at pagbabanta sa Taiwan, gayundin ang marahas na aksyon ng Chinese vessels sa sasakyang-dagat ng Pilipinas na sa loob ng 200-nautical mile radius ng Philippine exclusive economic zone (EEC)
