HINDI pag-aaksayahan ng panahon ng Philippine National Police (PNP) ang mga pipitsugin tulak ng ipinagbabawal na gamot, ayon kay PNP chief Gen. Rommel Marbil.
Sa isang kalatas, ibinida ni Marbil ang tinawag niyang reclibrated drug war kung saan aniya target ng kampanya kalawitin ang mismong puno ng mga sindikato sa hangaring putulin ang tinawag niyang “supply chain.”
Paliwanag ng PNP chief, higit na angkop sa Pilipinas ang isang giyera kontra droga na hindi na kailangan pang dumanak ng dugo – hindi tulad ng diskarte ng nakaraang administrasyon.
“Our previous strategies concentrated too much on cutting off the heads, but we need to target the body — the entire supply chain and the sources driving the drug trade,” wika ng hepe ng pambansang kapulisan.
Sa ilalim ng recalibrated strategy, tampok ang mas pinaigting na intelligence operation at mas malakas na pakikipag-ugnayan sa komunidad sa hangaring tukuyin at puksain ang mga sindikatong nagkakalat ng droga sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
“We are now focusing on high-value drug personalities and the movements of illegal drugs across the country. These are the real targets—those who orchestrate the trade and profit from it, not the street-level pushers and users, who are often victims of circumstance,” aniya pa.
