MAKALIPAS ang dalawat kalahating taon, muling magkukrus ang landas nina dating Pangulo Rodrigo Duterte at ang Pangulong kanyang kinakastigo sa mga nakaraang buwan.
Pag-amin ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica, inanyayahan niya sina Duterte at Marcos na dumalo sa inorganisang prayer rally kung saan aniya inaasahan niyang matutuldukan ang bangayan ng dalawang prominenteng lider ng bansa.
Aniya, nagpahayag ng kahandaan si Dutgerte na makaharap at makausap si Marcos Jr.
“Nag-organisa po kami ng isang prayer gathering na inimbitahan po namin para manguna ‘yung dalawang pangulo, ‘yung ngayon President Bongbong Marcos tsaka ‘yung dati nating pangulo si president Duterte para muna manalangin, magpakumbaba at in the end magkaroon ng maayos na pag-uusap tungkol sa mga issues at gustong tahakin ng bawat isa para sa bansa,” ani Belgica sa isang pannayham sa radyo.
Ayon kay Belgica, noong nakaraang linggo pa nila pinaabot ang paanyaya kina Duterte at Marcos Jr. – “Si President Duterte already accepted the invitation positively and si President Marcos hinihintay pa namin sagot niya,” ani Belgica.
“Palagay ko Diyos ang makakapag-ayos¬ niyan sa puso nila eh. Kaya nga kami umaasa dahil hindi naman natin kayang ayusin iyan, number 1 both president wala nang mas mataas sa kanila kundi ang Diyos,” hirit pa ni Belgica.
