UMANI ng kabi-kabilang batikos si Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla matapos humirit ng one-year extension para kay Calabarzon Police Director Brig. Gen. Hansel Marantan.
Nakatakdang magretiro si Marantan pagsapit ng ika-56 na kaarawan sa susunod ng linggo.
Batay sa liham na kumakalat sa social media, partikular na isinusulong ng Kalihim ang pagpapalawig ng serbisyo ni Marantan na nasa likod aniya ng mga “high-impact police operations.”
Samantala, usap-usapan ang umano’y paghahanda sa “napipintong” pagsampa ni Marantan bilang hepe ng pambansang pulisya sa sandaling sibakin si Philippine National Police (PNP) chief Jose Melencio Nartatez.
mas mataas na posisyon Sa ilalim ng Republic Act 6975, maaaring pahabain ng Napolcom ang serbisyo ng isang police general sa loob ng isang taon kung kinakailangan pa ang serbisyo nito sa gobyerno.
