PARA kay House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro, hindi katanggap-tanggap ang walang habas na pagkakalat ng kasinungalingan ng kampo ni former President Rodrigo Duterte.
Sa isang pahayag, hinikayat din ni Castro ang sambayanan na manindigan at labanan ang tinawag niyang “fake news” sa usaping legal na kinakaharap ng dating Pangulo.
Partikular na kinastigo ng militanteng kongresista ang resulta ng isang survey kung saan lumalabas na 58 porsyento ng mga Pinoy ang hindi sang-ayon sa pagdakip kay Duterte bunsod ng kasong crime against humanity sa International Criminal Court.
“The reported 58% public disagreement with the arrest of former President Rodrigo Duterte is a result of massive fake news and disinformation campaign orchestrated by Duterte’s machinery,” wika ng lady lawmaker.
“It’s a glaring example of how disinformation can distort public opinion. This reflects the impact of the widespread propaganda and fake news machinery that has been systematically built to whitewash Rodrigo Duterte’s crimes against humanity,” dugtong ng ACT Teachers partylist solon.
Taliwas aniya sa buod ng survey, hindi indikasyon na walang pananagutan si Duterte sa batas, kasabay ng giit na nagpapakita lamang umano ng matagalang epekto ng maling impormasyon at propaganda na naglalayong linlangin ang ating mga kababayan.
“Hindi natin dapat hayaan na manaig ang kasinungalingan,” giit ni Castro.
Dapat rin aniyang magkaroon ng malawakang educational campaign para mabatid ng publiko ang tunay na epekto at resulta ng madugong giyera kontra droga ng administrasyong Duterte—gayundin ang pananagutan ng dating Pangulo sa batas, lokal man o pandaigdigan.
“As progressive lawmakers, we will continue to stand with the victims and ensure that Duterte’s crimes will not be erased from history. It is our collective responsibility to ensure that truth and justice prevail.” (ROMEO ALLAN BUTUYAN II)
