BAHAGYANG maiibsan ang matinding alinsangan bunsod ng tag-init pagsapit ng buwan ng Hunyo, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa kalatas ng ahensya, posible anilang pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang dalawang tropical cyclone na tatawaging Auring at Bising.
Ayon kay PAGASA weather specialist Joanne Mae Adelino, ang mga tropical cyclone sa Hunyo ay karaniwang sumusunod sa isa hanggang apat na landas.
Mula nang pumasok ang 2025, wala pa maski isang bagyo ang namataan sa loob ng bansa.
