November 12, 2024

saksipinas

Palaban, Walang Kinikilingan

Fentanyl nauusong droga sa Pinas — PDEA

NI LILY REYES

BANTAY-SARADO sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang anila’y pinakabagong kinahuhumalingan ng mga Pilipinong gumon sa droga — ang Fentanyl.

Higit na kilala ang Fentanyl bilang isang malakas na anti-pain medication na karaniwang ginagamit sa mga cancer patients na nasa terminal stage.

Pag-amin ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo, isa ang Fentanyl sa mga umuusbong na problemang kinakaharap ng ahensya.

Gayunpaman, tiniyak ni Lazo na patuloy nilang inaalam ang source ng ‘fentanyl’ sa bansa, kadabay ng pahayag hinggil sa pakikipag-ugnayan ng PDEA sa kanilang mga foreign counterparts para sa iba pang impormasyon.

Inamin rin ng PDEA chef na patuloy pa rin ginagamit ang Pilipinas bilang trans-shipment point para sa international illegal drug smuggling at problema umano nila ang pagkakasangkot ng ilang pulis sa illegal drug trade.

Aniya, ang mga ipinagbabawal na droga galing Burma, Laos, at Thailand ay ibinebenta sa Maynila habang ang mga natitirang suplay ay ipinuslit sa Europe, US, Australia, at New Zealand.

Tiniyak naman ng PDEA chief na ginagawa na nila ang lahat ng kanilang makakaya upang matukoy, mahuli at makasuhan ang tiwaling mga pulis.

Kabilang sa mga personalidad na aminadong gumagamit mg Fentanyl ang yumaong foreign artist na si Michael Jackson at dating Pangulong Rodrigo Duterte.