MATAGUMPAY na natanggal ng Philippine Coast Guard ang delikadong floating barrier matapos ang desisyon umano ng president at ng chairman ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS), Secretary Eduardo Año.
Iniutos ni Año sa PCG na gumawa ng special operation upang tanggalin ang mga floating barrier na nakaharan sa southeast entrance ng Bajo De Masinloc (BDM).
Delikado rin umano ang barriers sa paglalayag at maliwanag na paglabas ito sa international law.
Sagabal ditto ito sa pangingisda ng mga Pilipino na pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan.
Kinatigan ng 2016 Arbitral Award ang BDM bilang isang tradisyunan na fishing ground ng mga lokal na mangingisda roon.
Kaya’t. anumang sagabal sa kabuhayan ng mga Pinoy na mangingisda ay lumalabag sa batas.
“The decisive action of the PCG to remove the barrier aligns with international law and the Philippines’ sovereignty over the shoal. The PCG remains committed to upholding international law, safeguarding the welfare of Filipino fisherfolk, and protecting the rights of the Philippines in its territorial waters,” sabi ni Año.
Courtesy: Jay Tarriela, PCG
