Ni Jam Navales
HIGIT na angkop bigyang prayoridad ng pamahalaan ang proteksyon sa West Philippine Sea, na ayon sa isang partylist congressman ay may direktang epekto sa isinusulong na food security ng bansa.
Ito ang mariing sinabi ni AGRI partylist Rep. Wilbert T. Lee kasunod na rin ng patuloy na pambabarako ng Chinese Coast Guard sa mga mangingisdang Pilipino at maging sa mga sasakyang pandagat ng gobyerno sa karagatang pasok sa 200-nautical mile exclusive economic zone ng Pilipinas.
“We must protect our interests in the WPS including both freedom of navigation and the ecosystems in the area as the limited movement of Filipino fisherfolk in the WPS and the destruction of the marine biosphere affect our food security,” sambit ng Bicolano lawmaker.
“The continued aggression of foreign vessels in the WPS hampers the ability of our fisherfolk to fish in the waters within our Exclusive Economic Zone (EEZ),” dugtong pa niya.
“Nakasalalay sa kakayahan natin protektahan ang WPS ang buhay at hanapbuhay ng ating mga mangingisda,” magiting na hirit ni Lee.
Aniya, kailangan din gumawa ng paraan ang gobyerno na maipatupad ang karapatan ng bansa sa EEZ nito.
“Exclusive sya for a reason. Pilipino lang dapat makinabang sa lugar na ito. Winner Tayo Lahat kung maipagtatanggol natin ang karapatan ng ating mga mangingisda sa sarili nating teritoryo,” pahabol ng AGRI partylist solon.