MATAPOS ang anim na buwan ng pilot implementation, ganap nang a-arangkada ang Food Stamp Program ng gobyerno, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa isang pulong-balitaan, inihayag ni DSWD Undersecretary Edu Punay na target ng programa ibsan ang guton ng hindi bababa sa 300,000 pamilyang Pilipino mula sa 10 rehiyon, at 12 lalawigan sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ayon kay Punay, hangad ng pamahalaan bawasan ang bilang ng nagugutom sa bansa sa bisa ng malawakang Food Stamp Program na magbibigay aniya ng buwanang ayuda sa hanay ng pamilyang pasok sa kategorya ng mga low-income households sa gamit ang Electronic Benefit Transfer (EBT) cards para bumili ng pagkain sa Kadiwa Centers.
Bukod sa Kadiwa Centers, pwede rin umano gamitin ang EBT cards sa mga accredited merchant stores.
Una nang naglabas ng Executive Order 44 (Walang Gutom 2027) ang Pangulo alinsunod sa rekomendasyon ng DSWD para sa implementasyon ng naturang programa.
Base sa mga non-commissioned survey na pinangasiwaan ng Social Weather Station (SWS) noong Disyembre ng nakalipas na taon, lumalabas na mas marami na ang bilang ng mga pamilyang dumaranas ng gutom.
