
KASABAY ng pagbaba sa pwesto ni Gen. Rommel Marbil, pormal nang sinimulan ni Gen. Nicolas Torre III ang pamumuno sa Philippine National Police (PNP) bilang ika-31 pambansang hepe.
Kabilang sa mga prayoridad na inilatag ni Torres sa kanyang panunungkulan ang pagdakip kay former presidential spokesperson Harry Roque, ang mas pinaigting na responde sa tawag ng saklolo, pagpapakalat ng mga pulis sa lahat ng ssulok ng bansa at disiplina sa hanay ng mga kabaro.
Isusulong rin umano niya ang mas mataas na antas ng kasanayan, pananagutan at modernisasyon ng PNP.
Binalaan rin ng bagong hepe ng pambansang pulisya ang mga kapwa pulis laban sa paggamit ng padrino para tumaas ang ranggo.
Samantala, nagbunyi ang Philippine National Police Academy (PNPA) sa pag-upo ni Torre — ang kauna-unahang PNP chief na mula sa akademiya ng mga pulis.
Sa isang kalatas, lubos na nagpasalamat ang PNPA Alumni Association kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kay Torre na kabilang sa “Tagapaglunsad” Class 1993. (EDWIN MORENO)