“SA mga profiteers d’yan, yung mga unscrupulous traders and wholesalers, we are going after you!,” babala ni House Speaker Martin Romualdez sa mga negosyanteng nasa likod ng smuggling, hoarding at price manipulation ng bigas sa merkado.
“The House will go after you. We will not allow this abuse to happen, lalo na itong panahon ng Pasko,” pahayag ni Romualdez kasabay ng pangakong gagamitin ang poder ng Kongreso para wakasan ang pagsasamantala ng mga tinawag niyang profiteers, smugglers at hoarders.
“The government is doing everything. Alam mo naman kaka-cut lang natin ng taripa para sa mga imported rice, from 35 to 15 percent. Ang dami-daming supply na naiimbak d’yan, pero bakit mataas pa rin ‘yung presyo?” wika ni Romualdez.
“That is what we are trying to ferret out. Bakit nga ba hanggang ngayon hindi pa bumababa ang presyo ng bigas?,” dugtong niya.
Ginawa ng House Speaker ang pahayag, kasabay na rin ng pagbibigay kahalagahan sa pagdinig ng House Quinta Comm, na tinatawag din ng ‘Murang Pagkain Super Committee’ para labanan ang mga sangkot sa ilegal na pagpupuslit at pagmanipula sa presyo ng bigas.
“Our aim is to bring food prices to reasonable levels. This is about ensuring affordable rice and quality food for every Filipino,” paliwanag pa ni Romualdez.
Aniya, ang Quinta Comm ay masusing nakikipag-ugnayan sa National Bureau of Investigation (NBI), Bureau of Customs (BOC), at Department of Agriculture (DA) para tiyaking matatag ang suplay at presyo ng bigas. (Romeo Allan Butuyan II)
