WALANG dahilan para mabahala ang milyon-milyong miyembrong kinakaltasan kada buwan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), ayon sa isang opisyal ng Department of Health (DOH).
Ayon kay Assistant Secretary Albert Domingo na tumatayong tagapagsalita ng kagawaran, higit pa sa sapat ang pondo ng PhilHealth para mapabuti ang mga benepisyo sa kalusugan ng mga miyembro – kahit zero subsidy.
Katunayan aniya, may P150 bilyong surplus ang PhilHealth mula sa 2024 budget na inilaan ng Kongreso, bukod pa sa P61 bilyong subsidy inilaan ng Kongreso para sa kasalukuyang taon.
Ilang linggo bago matapos ang 2024, 63 percent pa lang di umano ang nagamit ng PhilHealth sa P244 bilyong budget na nakalaan para sa mga benepisyo ng mga obrerong buwan-buwan kinakaltasan ang sweldo.
Hindi binigyan maski pisong subsidiya ng Bicameral Conference Committee ang PhilHealth bunsod ng kabi-kabilang kontrobersiya at kapalpakan na kinasangkutan.
