
HAYAGANG kinastigo ni Senador Alan Peter Cayetano ang aniya’y kabiguan ng gobyerno tupdin ang tinawag niyang arrest protocol sa pagsasalin ng kustodiya kay former President Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).
“The representative of the Philippine government should not just sign — he should have noted there ‘Surrendered to,’ ‘Not applicable,’ et cetera. Kasi ang titingnan ng ICC, yung dokumento, hindi yung paliwanag,” wika nikk Cayetano sa pagdinig ng Senate Committee on Foreign Relations.
Partikular na tinukoy ng senador ang “Information on the Surrender and Transfer” form na pinirmahan ni Special Envoy on Transnational Crime Markus Lacanilao.
Nakasaad aniya sa naturang dokumento na may abogadong tumulong umano kay Duterte sa isang “national proceeding.”
“When the ambassador signed his name and ang nakalagay na he (Duterte) received legal assistance during a national proceeding, it gave the impression that there was more than just the service of the warrant,” aniya.
Binigyang diin ni Cayetano ang kahalagahan ng naturang dokumentong aniya’y magiging pamantayan sa pagsunod ng Pilipinas sa mga “basic rights” ng mga akusado sa korte ng bansa.
Aniyas, higit na angkop para sa Department of Justice na maghanda ng malinaw na proseso sa mga kahalintulad na kaso, higit lalo’t hindi pa tapos ang pagrerepaso ng Korte Suprema sa legalidad ng pagkalas ng Pilipinas sa ICC.
“While it’s pending, it might be safer to allow the Filipinos to seek redress here kasi pag nandoon na, wala nang rewind,” hirit ng senador.
Pinuna rin ni Cayetano ang hepe ng PNP-CIDG na si Nicolas Torre III matapos tanggihan ang hiling ni Vice President Sara Duterte na dalawin ang kanyang ama habang nakakulong.
Giit ni Cayetano, malinaw sa Republic Act No. 7438 na may karapatan ang isang detainee na mabisita ng kanyang pamilya at doktor.
“Hindi ba siya anak? Ang nakalagay dito [sa batas], ‘…the person’s immediate family should include his or her spouse, fiancé, parent, or child,’” aniya pa.
Babala pa niya, hindi dapat maliitin ang mga naturang pagkukulang na pwede umanong magsilbing masamang halimbawa sa iba pang law enforcement agencies.
“Kung ako ay bagong pulis sa Batanes o sa sulok ng Davao, tapos nakita ko na pwedeng hindi papasukin ang doktor o pamilya, baka akalain ko pwede rin sa amin,” sabi niya.
“If the ICC issues another warrant of arrest, will we wait for the Supreme Court to rule or will we allow them to be put a Filipino on a plane and sent to the Hague right away?” (ESTONG REYES)