PARA sa karamihan, magandang pagkakataon ang mahabang bakasyong kalakip ng Semana Santa para bumiyahe sa malayo para sa asam-asam na pahinga — pero hindi para sa mga traffic enforcers na patuloy ang serbisyo para tiyakin ang maayos na daloy ng trapiko.
Kaya naman hirit ni Ang Probinsyano Partylist Rep. Alfred Delos Santos sa mga motorista — respeto at ibayong unawa sa mga traffic enforcers at iba pang naghahanapbuhay sa kalsada kahit pa sa ilalim ng matinding init na nararanasan.
“While many of us are able to rest and reflect this Holy Week, let’s not forget those who continue to work under the heat and pressure to ensure our roads remain safe and orderly. Our traffic enforcers and shift workers deserve our full respect and kindness,” wika ni Delos Santos.
Ayon kay Delos Santos, higit na unawa ang dapat ibigay sa tinawag niyang “frontliners” na aniya’y nagtitiis ng uhaw sa ilalim ng matinding init ng panahon, polusyon, pagkahapo at pang-iinsulto ng mga motorista.
Mungkahi ni Delos Santos sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, kilalanin ang sakripisyo ng mga traffic enforcers at iba pang kawaning hindi umano halos makapag pahinga dahil sa trabaho.
“Let’s also make sure they get the rest and support they need. Government agencies and LGUs should ensure humane working conditions during long weekends like this,” dugtong ng kongresista.
Nanawagan din si Delos Santos sa mga motorista na iparamdam maski katiting na paggalang at pasasalamat sa anumang paraan ang mga kawaning nagtitiis sa ilalim ng initan.
“These people show up during these holidays to do their jobs no matter the risks on the streets, on the roads. If you have the means, a cold bottle of water, a sandwich, or a kind word can go a long way. Let’s lighten it, even just a little,” aniya pa.
Sa isang bukod na kalatas, pinaalalahanan ng Ang Probinsyano Partylist ang publiko na hindi limitado sa pagninilay ang Semana Santa, kasabay ng giit na mas magiging makabuluhan ang pagtitika kung ipapadama sa kapwa tao ang malasakit at unawa.
“Let’s make this Holy Week not only about rest, but also about giving thanks and taking care of one another. Sa mga traffic enforcers, kargador, tindera, at manggagawang walang pahinga, saludo kami sa inyo,” pahabol ni Delos Santos.
