Ni ESTONG REYES
PARA kay Senador Imee Marcos, hindi katanggap-tanggap ang napipintong implementasyon ng tariff cut sa imported rice.
Taliwas aniya sa paandar ng administrasyon ng nakababatang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., tanging mga negosyante ang makikinabang sa pagtatapyas ng buwis na kinokolekta ng gobyerno sa mga rice importers.
Sa pagtataya ng senador, babaha ang imported rice sa mga pamilihang bayan habang ang mga bigas na mula sa aning palay ng mga lokal na magsasaka na mapipilitan na naman umano ibenta ang palay sa murang halaga para lang madispatsa.
Paglilinaw ng nakatatandang kapatid ng Pangulo, hindi niya hangad magmukhang kontrabida, kasabay ng giit na bahagi ng kanyang trabaho bilang lingkod bayan magsabi ng totoo sa mga tao.
“Para nilang sinasabi sa mga local farmers na magpakamatay na lang,” patutsada ni Imee sa utol niya sa Palasyo.
